ANG NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL- isang institusyon ng mga iskwelahan ng Navotas. Ang NNHS (pinaikling Navotas National High School) ay isang eskwelahang nabuo sa taong 1983 bilang senyales ng paghihiwalay ng Navotas National High School at Malabon National High School. Pinamunuan ito ni Ginang Cecilia Maclang Saenz bilang ang unang punong guro nito. Nagsimula ito sa isang gusali at limang silid-paaralan. Nang mga sumunod na taon, ang BES annex (Bagumbayan Elementary School building) ay naibigay na sa NNHS. Ito ang BES Building sa kasalukuyan. Sa mga sumunod na taon nag-iba-iba rin ang mga punungguro ng NNHS, ngunit bumabalik pa rin sa bahay niya ang kanyang ina. Si Dr. Saenz ay nagbalik sa paaralan upang ipanatali ang kanyang natitirang mga taon sa serbisyo ng pagiging punong guro sa NNHS. Matapos nito, si Dr. Maria Cristina Acuña Robles, ang Division Science Supervisor ng MANA, ay pumalit sa bakanteng pwesto. Ipinatupad ni Dr. Robles ang maraming pagbabago sa kanyang layuning "Ang Batang Navoteño ay Disiplinado." | Ang official seal ng Lungsod ng Navotas. |